BBM HUGAS-KAMAY SA FLOOD CONTROL PROJECT ANOMALIES?

PUNA ni JOEL O. AMONGO

KASUNOD ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., malaki ang binawas sa panukalang budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa 2026 — halos 30% ang kaltas matapos burahin ang pondo para sa flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, mula sa P881.3 bilyon, ibinaba ng DPWH ang kanilang budget proposal sa P625.8 bilyon. Tinanggal ang P252 bilyong locally funded flood control projects na inulan ng batikos dahil sa sari-saring iregularidad.

Imbes na flood control, hiniling ng DPWH na i-reallocate ang P252 bilyon sa mas direktang pakikinabangan ng publiko gaya ng agrikultura, edukasyon, healthcare, pabahay, social welfare, labor, at information technology.

Muling iginiit ng Palasyo na seryoso ang administrasyon sa accountability laban sa mga sangkot sa anomalya. Sa ilalim ng Executive Order No. 94 na nilagdaan ni Marcos noong Setyembre 11, itinatag ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) para busisiin at kasuhan ang mga opisyal at pribadong indibidwal na nagnakaw sa pondo ng flood control projects sa loob ng huling 10 taon.

“Hindi pwedeng ipagpatuloy ang ganitong sistema. Lahat ng sangkot, mananagoKUNG pagbabasehan ang mga sinasabi ni Pangulong Bongbong Marcos Junior, tila naghuhugas-kamay siya sa problema sa maanomalyang flood control projects.

Sabi niya, okey lang sa kanya ang kaliwa’t kanang kilos-protesta ng mga Pilipino laban sa katiwalian sa flood control projects.

Ayon pa sa kanya, kahit siya gusto niyang lumabas para kondenahin ang katiwaliang nangyayari sa pera ng bayan.

May sakit ka na ba sa pagkalimot, Mr. President?

Nakalimutan mo na ba na pinirmahan mo ang pinaka-kontrobersyal na 2025 National Budget na hitik sa mga isiningit na pondo?

Hindi mo pwedeng sabihin na ‘di mo alam na may bilyun-bilyong pisong isiningit sa 2025 National Budget para sa mga unprogram ng mga kakampi mong kongresista.

Kung wala kang alam, bakit ka pa nakaupo?

Ngayon, sinong sisihin mo, ang pinsan mo na si Speaker Martin Romualdez?

Ni hindi mo nga siya mabanggit-banggit sa mga statement mo, buti pa si super ate mong si SENATOR Imee Marcos, binabatikos niya si Romualdez at misis mong si Liza Araneta-Marcos a.k.a. LAM.

Takot kay Romualdez?

Sinong Pilipino ang maniniwala na wala kang kasalanan sa maanomalyang flood control projects?

Kaya tama ang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na baka matulad ka sa tatay mo (Ferdinand E. Marcos, Sr.) na napababa sa pwesto.

Sobrang dismayado na ang mga Pilipino sa administrasyon mo, wala ka na ngang nagawang malaking proyekto sa nakalipas na mga taon mo sa Malakanyang, ‘di mo pa nabantayan ang malaking pondo sa flood control projects.

Anong gagawin mo ngayon BBM, magtuturuan kayo ni Romualdez kung sino sa inyo ang may kasalanan sa trillion PESOS na nalustay sa maanomalyang flood control projects?

‘Pag pinauwi niyo si Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, si Speaker Martin Romualdez ang sasabihin na may kasalanan.

Si Romualdez, ikaw naman (BBM) ang ituturo dahil pinirmahan mo ang mga budget mula 2023, 2024 at ang pinakakorap na 2025 National Budget.

Kung magtuturuan lang din kayo, makulong na lang kayong lahat nang mabigyan ng hustisya ang taumbayan.

Hindi pa nga ipinanganganak ang Pilipino ay may babayaran nang utang na ‘di naman nito ginamit.

oOo

Para sa suhestiyon at reklamo mag-email sa operarioj45@gmail.com.t,” diin ni Castro.

(CHRISTIAN DALE)

39

Related posts

Leave a Comment