IPALALABAS na sa susunod na linggo ang memorandum kaugnay ng lifestyle check sa ilang opisyal ng gobyerno.
“Most probably po magkakaroon po tayo ng memorandum, hintayin lamang po natin by next week,” pahayag ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa isang press briefing, bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isailalim sa lifestyle check ang lahat ng opisyal ng gobyerno.
Nang tanungin kung sinu-sinong opisyal ang saklaw, sagot ni Castro: “Hintayin po muna natin sa ahensiya na kaniyang pag-uutusan.”
Matatandaang ipinag-utos ni Marcos ang lifestyle check kasunod ng kontrobersiya sa flood control projects sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Dagdag pa ng Palasyo, mismong mga ahensya ng gobyerno ang magsasagawa ng lifestyle check sa mga opisyal na sangkot, dahil may tiwala raw ang Pangulo sa kakayahan ng mga ito.
(CHRISTIAN DALE)
166 