Marami sa atin ang hindi pansin kung paano sila magdamit. Kasi naman, may ibang nagbibihis na lamang ayon sa gusto, at tama naman iyon. Kaya lang marami sa atin ang nakakaligtaan na dapat ay maging presentable pa rin kahit sa pananamit, kahit pa plus size ka – ito ang isang bagay na hindi dapat katamaran.
Sa pananamit dapat ikonsidera ang sizes natin tulad ng pagiging plus size. Ang rules lang ay: buy clothes in the right size.
Plus size
-Kung may kalakihan ang size, sinasabing iwasan ang mga stripes na damit, lalo na ang horizontal line dahil lalo lamang nae-emphasize nito ang iyong size – lalo kang lumalaki o lumalapad. Ngunit may iba rin namang naka-stripes na very comfy para sa kanila at totoong magandang tingnan, nasa nagdadala lamang iyan.
-Best option ang black para makapagbigay ito ng illusion na maliit ang iyong size. Tandaan that black is always in fashion.
-Sa denim o jeans na susuotin, piliin ang dark colors.
– Minsan nasa brand, designer o store ang tamang sizes ng damit na angkop sa isang tao. Minsan, kapag cheap ang brand, designer, o store mas malaki ang size na ibinibigay nito sa susuot. May estilo kasing naibibigay ang branded (na hindi kailangang maging sobrang mahal) kumpara sa mga “basta-bastang” mga damit lamang, kaya hindi rin tamang basta na lamang piliin ang XL, XXL o iba pang bigger sizes.
– Ikonsidera na magpatahi nang sadya lalo na kung hirap kang makahanap ng size mula sa store o malls.
– Kung maliit ka pero plus size, piliin ang skin-colored shoes para may illusion ito na mahaba ang iyong biyas. Maganda rin na magsuot minsan ng heels na may taas na 1 to 2 inches.
– Show more skin. Possible ang pagsuot ng deep necklines and short (knee-length or shorter) skirts and dresses na pwedeng maging instantly slim down sa full figure mo.
Fashion tips for all
– Mag-invest sa tamang undergarments – lalaki ka man o babae. Hindi tamang magsuot pa ng undies o garments na may garter na itsurang bacon na sa pagkakulubot. And when we say “invest” piliin na ang magandang quality nito para magamit nang matagal at hindi masayang ang pera.
– Hindi rin maganda na nakikita ang undergarments. Dapat ay magsuot ng thicker straps ng blouse para maitago nito ang bra straps. Hindi rin okay na mas mataas pa ang waistline ng undies kumpara sa short o denim na suot mo.
– Piliin ang damit na magpa-flatter sa sizes pero hindi magiging exaggerated ito.
– Huwag magsuot ng sobrang accessories na magmumukha kang Christmas tree. Huwag ding paghaluin ang gold, silver, sa plastic o native accesories lalo kung sadyang hindi bagay.
