MARCOS NAGDEKLARA NG 1-YEAR STATE OF CALAMITY KASUNOD NG BAGYONG TINO

NAGDEKLARA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng one-year state of national calamity para mas mapabilis ang rescue, relief, recovery, at rehabilitation efforts kasunod ng malawakang pinsala dulot ng Bagyong Tino.

Nilagdaan ng Pangulo ang Proclamation 1077 noong Nobyembre 5 at isinapubliko noong Sabado, Nobyembre 8. Layunin nito na mas bilisan at mas koordinado ang paghahatid ng tulong mula sa gobyerno at pribadong sektor sa mga apektadong lugar.

Kasama sa kapangyarihan ng proklamasyon ang agarang pagpapatupad ng remedial measures, tulad ng:

Price ceiling sa mga pangunahing bilihin at basic necessities

No-interest loans sa mga pinaka-apektadong sektor

Pag-iwas sa overpricing, profiteering, at hoarding ng essential goods, gamot, at petroleum products

Pinahihintulutan din nito ang national at local governments na gumamit ng pondo para sa rescue, relief, recovery, at rehabilitation programs, kabilang ang pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga displaced individuals at komunidad.

“All concerned agencies and instrumentalities of the National Government are hereby directed to continuously undertake urgent and critical disaster response to save lives, reduce health impacts, ensure public safety and meet the basic subsistence needs of the people affected,” ayon sa proklamasyon.

Bukod dito, iniutos din ang post-disaster recovery measures upang maibalik sa normal ang buhay ng mga apektadong komunidad at mapabuti ang kanilang pasilidad, kabuhayan, at kondisyon sa pamumuhay.

Kasama sa mandato ang pakikipag-ugnayan sa mga LGU at mabilisang pag-activate ng tulong mula sa private sector at international agencies, alinsunod sa umiiral na batas at regulasyon.

Inatasan naman ang mga law enforcement agencies, katuwang ang Armed Forces of the Philippines, na tiyaking mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa mga apektadong lugar.

Ayon sa Proclamation 1077, ang one-year state of national calamity ay mananatili “unless earlier lifted by the President.”

(CHRISTIAN DALE)

68

Related posts

Leave a Comment