NADAKIP ang tatlong hinihinalang tulak sa ikinasang buy-bust operation ng Drug Enforcement Team ng Bacoor Component City Police Station (CCPS) bandang alas-8:45 kamakalawa ng gabi sa Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang mga suspek na sina alyas Tol, alyas JE, at alyas PAT, pawang residente ng naturang lungsod.
Nasamsam sa mga suspek ang 14 na piraso ng rolled black paper cigarettes na naglalaman ng pinaghihinalaang tuyong halaman na lokal na tinatawag na “tuklaw” o “thuoc lao” na may standard drug price na ₱7,000, at isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang tuyong dahon ng marijuana na may bigat na humigit-kumulang limang gramo at tinatayang halagang ₱1,000.
Nakumpiska rin sa operasyon ang buy-bust money at dalawang maliit na itim na kahon na may tatak na “Vegas Slims Pack.”
Nakapiit na ang mga suspek at sasampahan ng kaukulang kaso kaugnay ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
(SIGFRED ADSUARA)
114
