PAG-AARALAN muna ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan ang reklamong plunder na inihain laban sa kanya kaugnay ng umano’y anomalya sa ilang flood control projects.
“I have to study it very well. Kasi medyo mabigat nga kung plunder ‘yung… Kaya we have to study it very well,” pahayag ni Bonoan sa Department of Justice (DOJ).
Si Bonoan, kasama ang abogado ni Senador Jinggoy Estrada, ay dumalo sa unang araw ng preliminary investigation na isinagawa ng DOJ kaugnay ng kaso. Gayunman, hindi pa sila nagsumite ng kanilang counter-affidavit dahil hindi pa umano nila natatanggap ang kopya ng reklamo.
Ayon kay Bonoan, hindi pa niya nababasa ang mga detalye ng reklamong plunder na isinampa laban sa kanya.
Tiniyak naman ng dating kalihim na mananatili siya sa bansa habang dinidinig ang kaso.
“Of course, I will be here,” dagdag niya, kahit hinihintay rin umano niya ang iskedyul ng operasyon ng kanyang asawa sa Estados Unidos.
(JULIET PACOT)
2
