HINAMON ni Finance Secretary Frederick Go ang Bureau of Customs na maabot ang P1-trillion revenue collection target ngayong 2026 kasabay ng ika-124 anibersaryo ng ahensya.
Ayon kay Go, posible nang makamit ang target dahil sa mga repormang ipinatutupad ng Aduana.
Matagal na aniyang tinatarget ng ahensya ang naturang halaga ngunit patuloy itong naging mailap sa nakalipas na mga taon. Gayunman, kumpiyansa ang kalihim na makakamit na ito ngayong taon.
Magugunitang nalampasan ng BOC ang target nitong koleksyon noong Enero 2026. Noong 2025, umabot sa P934.4 bilyon ang kanilang koleksyon na mas mataas kumpara sa P916 bilyon na naitala noong 2024.
Hinimok din ni Go ang BOC na ibenta ang mga mamahaling sasakyan na nasamsam mula sa mga sangkot sa umano’y anomalya sa flood control projects upang madagdagan pa ang kita na maibabalik sa kaban ng bayan.
(JESSE RUIZ)
6
