ISINUSULONG ni Leyte Rep. Martin Romualdez ang panukalang Cancer Risk Screening and Awareness Act na magbibigay ng libreng screening para sa breast, cervical, colorectal at prostate cancers.
Layunin ng House Bill No. 7942 na mapalakas ang early detection upang maiwasan ang cancer deaths at mabawasan ang gastusing medikal ng mga pamilya.
Tinukoy ni Romualdez ang datos ng Philippine Statistics Authority na nagsasabing ikatlong pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino ang cancer.
Sa ilalim ng panukala, magsasagawa ang Department of Health (DOH), katuwang ang mga LGU at health centers, ng regular at barangay-based screening na libre o subsidized, lalo na para sa indigent at high-risk population.
May mandato rin ang DOH na magtatag ng referral mechanism upang matiyak ang confirmatory diagnosis, treatment, at pag-access sa PhilHealth benefits at iba pang support services ng mga pasyente.
(TINA MENDOZA)
1
