ITINANGGI ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang alegasyong may special treatment si dating Sen. Bong Revilla Jr. habang nakakulong sa Quezon City Jail Male Dormitory.
Ayon kay QCJMD warden Maria Lourdes Pacion, walang basehan ang ulat na may hiwalay na air-conditioned cell at “unlimited dalaw” ang dating senador.
Iginiit ng BJMP na si Revilla ay nananatili sa kanyang itinalagang selda at sumusunod sa parehong patakaran tulad ng ibang persons deprived of liberty (PDLs).
Tiniyak din ni BJMP-NCR Director Baby Noel Montalvo ang zero tolerance policy laban sa anumang espesyal na pagtrato sa mga detenido, alinsunod sa direktiba ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
(PAOLO SANTOS)
109 