‘MAIL-ORDER BRIDE’ NASABAT SA NAIA

NAHARANG sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 21-anyos na babae na hinihinalang biktima ng mail-order bride scheme bago makaalis patungong Guangzhou, China.

Ayon sa ulat kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado mula sa mga opisyal ng Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES), naharang ang pasahero bago pa man ito makasakay sa Cebu Pacific flight patungong Guangzhou.

Nagpanggap umano ang babae na mag-aaral ng wika, ngunit natuklasang peke ang kanyang enrollment at may inaayos umanong kasal kapalit ng P50,000.

Dinala ang pasahero sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon.

(JOCELYN DOMENDEN)

68

Related posts

Leave a Comment