PNP TINIYAK KAPAKANAN NG MGA PULIS SA GITNA NG MATINDING INIT

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) ang kapakanan ng kanilang mga tauhan na naka-duty, lalo na ang mga nagsasagawa ng patrol at checkpoints sa gitna ng matinding init ng panahon.

Kasabay ng pagsisimula ng tag-init, inatasan ni PNP Chief PGen. Melencio Nartatez Jr. ang mga hepe ng pulisya at unit commander na repasuhin ang deployment strategy ng kanilang mga tauhan.

Layunin nitong matiyak na hindi makokompromiso ang kalusugan ng mga pulis, partikular ang mga naka-field duty.

Ayon sa PNP chief, kinakailangang maprotektahan ang mga tauhan laban sa mga karaniwang sakit tuwing tag-init, kabilang ang heat stroke.

Pinayuhan din ang mga pulis na manatiling hydrated at ipatupad ang maayos na shifting schedule upang maiwasan ang labis na pagkabilad sa init.

Nauna nang nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inaasahang mas iinit ang panahon matapos ideklara ang pagtatapos ng northeast monsoon o amihan.

Ayon sa PAGASA, inaasahang mararanasan ang pinakamataas na temperatura sa mga buwan ng Abril at Mayo.

(TOTO NABAJA)

77

Related posts

Leave a Comment