MARCOS PABOR SA P50/KILO PRICE CAP SA IMPORTED RICE

SUPORTADO ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang P50 price cap sa imported na bigas.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, nagsumite na ng rekomendasyon ang Department of Agriculture sa National Price Coordinating Council para pag-aralan ang nasabing hakbang.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na may ilang retailers na nagbebenta ng imported rice sa P55 hanggang P58 kada kilo.

Kaya’t isa sa mga hakbang ng DA ang gawing available ang bigas sa P45 hanggang P48 sa piling pamilihan upang mapigil ang pagtaas ng presyo.

Binabantayan din ng pamahalaan ang posibleng pang-aabuso sa presyo sa gitna ng epekto ng oil price hikes sa pandaigdigang merkado.

(CHRISTIAN DALE)

54

Related posts

Leave a Comment