PINAIGTING ng Philippine National Police-Highway Patrol Group ang pag-inspeksyon sa mga transport terminal bilang paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero para sa Semana Santa na bahagi na rin ng Summer Vacation 2026.
Ayon kay HPG Acting Director PBGEN Rommel Batangan, layon nitong matiyak na gumagana ang lahat ng operational plans ng HPG.
Malalaman din ang mga potensyal na banta sa seguridad at trapiko, gayundin ang adjustments na maaaring ipatupad.
Tiniyak rin ng HPG ang mahigpit nilang inter-agency coordination sa local government units, terminal operators, at iba pang law enforcement agencies.
(TOTO NABAJA)
52 