304K PIRMA PARA KAY DATING PANGULONG DUTERTE, INIHARAP SA SC

supreme court12

MULING dumulog sa Supreme Court ang mga tagasuporta ni dating pangulong Rodrigo Duterte upang igiit ang agarang resolusyon sa mga petisyon kaugnay ng kanyang kaso.

Pinangunahan ni Senator Robin Padilla ang paghahain nitong Lunes, Marso 30, kasama ang mga supporter na nakalikom umano ng 304,000 pirma sa kampanyang “Tay, Kami Naman.”

Ayon kay Joey Cruz, kusang-loob ang mga lumagda at umaasang kikilos ang Korte Suprema upang maibalik si dating Pangulong Duterte sa bansa.

Iginiit naman ni Senator Padilla na dapat dinggin at resolbahin ng hukuman ang mga inihain nilang petisyon.

(JULIET PACOT)

58

Related posts

Leave a Comment