131 WPS FEATURES PAPANGALANAN NG PINOY

wps22

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagbibigay ng mga pangalang Pilipino sa 131 features ng Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.

Sa ilalim ng Executive Order No. 111 na inilabas noong Marso 26, inatasan ang National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) na mag-update ng charts at mapa para maisama ang mga bagong pangalan.

Obligado rin ang lahat ng ahensya ng gobyerno at state institutions na gamitin ang mga ito sa opisyal na komunikasyon at dokumento.

Saklaw rin ang edukasyon, kung saan inatasan ang Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED), at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na gamitin ang standard names sa pagtuturo at research.

Ayon sa National Maritime Council, mahalaga ang hakbang upang mapalakas ang administrasyon at igiit ang soberanya ng bansa sa WPS.

(CHRISTIAN DALE)

29

Related posts

Leave a Comment