CARPOOLING: BAYANIHAN SA LANSANGAN – LCSP

OK sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang carpooling—basta hindi ito magiging “colorum” at hindi makaaapekto sa public transport. Agree.

Pero maglalabas daw ng special permit para sa mga magca-carpool? Wait—para saan ang permit? Marami na ang nagca-carpooling. Ibig bang sabihin, magiging illegal sila kapag wala nito?

Matagal nang mungkahi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang carpooling. Kapag tama ang polisiya, makatutulong ito sa pagbawas ng sasakyan sa lansangan at pagbibigay ng “riding option” sa commuters.

Halimbawa: may-ari ng sasakyan na isinasabay ang ilang kaopisina papasok sa trabaho, at nagkakasundo sila sa ambagan sa gas—papayagan ba ito sa polisiya ng MMDA? Sa ganitong setup, makatitipid ang driver sa gas, habang ang mga sakay ay makatitipid sa oras, mas komportable, at mas praktikal ang biyahe.

May isa pang sitwasyon: isang motorista ang kusang nag-aalok ng libreng sakay habang dumadaan sa lugar na maraming pasahero. Private vehicle ang gamit—kailangan pa ba niyang kumuha ng special permit?

Makasisiguro ba ang mga nagka-carpool na malinaw sa mga traffic enforcer ang polisiya? O baka mauwi lang ito sa paghahanap ng violations at impounding ng sasakyan?

Paano kung hindi kumuha ng special permit ang isang nagka-carpool—bawal na ba agad at ituturing na colorum?

Ang carpooling ay isang uri ng bayanihan sa lansangan—tulungan sa gitna ng hirap sa biyahe. Kung maglalabas ng guidelines, sana’y mas magbigay ito ng benepisyo sa publiko kaysa dagdag na parusa sa mga nais lang tumulong at makatipid.

33

Related posts

Leave a Comment