LINAWIN NATIN! ni ARDEE DELLOMAS
TILA hindi na matapos-tapos ang isinasagawang pagbibitiw sa pwesto ng matataas na mga opisyal sa Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Ariel Nepomuceno.
Napag-alaman natin mula sa isang maaasahang source, na bumitiw siya sa pwesto kamakailan lamang. Sa taong ito, pangalawa siya sa nagkusang umalis sa pwesto pagkatapos ni dating Deputy Commissioner for Internal Administration Michael Cristobal Fermin. Maaalala natin na nag-resign si Fermin for “personal and security reasons.”
Ano nga ba ang nagtulak sa bagong opisyal ng BOC para siya bumitiw sa pwesto? Umiikot ang usap-usapan sa Aduana na ang kanyang resignation ay bunsod ng talamak na ilegal ismagling na ‘di umano’y kinasasangkutan ng kanyang mismong mga kasama sa loob ng ahensya.
Ayon sa isang insider, hindi niya kinaya na ang ‘di umano’y protector ng ismaglers ay mismong taga-BOC, taliwas sa ipinatutupad na pinaigting na kampanya ng ahensya na pinangungunahan ni Nepomuceno, laban sa ilegal ismagling.
Ano ang katotohanan sa likod ng alegasyong ito? Kung totoo ito, sino ang inaakusahang protector ng mga ismagler?
Noon pa man ay sinasabing talamak ang nangyayaring katiwalian sa loob ng BOC ngunit ngayon ang paratang ay mismong nasa loob nito ang protector ng mga ismagler?
Bukas ang kolum na ito para sa panig ng pamunuan ng BOC hinggil sa nasabing alegasyon.
72 