KAMBAL NA NAWALA SA DAGAT, PATULOY NA HINAHANAP NG PCG

PATULOY ang search and rescue operation ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa 9-anyos na kambal na tinangay ng alon sa Eastern Leyte.

Kinilala ang mga nawawala na sina Andrea at Althea Meras, kapwa residente ng Barangay Victory, Abuyog.

Batay sa ulat, sakay ang kambal ng isang motorized banca patungong Barangay Lawaan nang salubungin ng malalakas na alon ang kanilang sinasakyan.

Dahil sa lakas ng hampas ng dagat, nahulog ang magkapatid at tinangay ng alon na umabot umano sa 300 metro mula sa baybayin.

Agad nagpalabas ng alerto ang PCG sa lahat ng sasakyang pandagat sa lugar upang tumulong sa paghahanap.

Pinayuhan din ang mga marino na agad iulat sa pinakamalapit na himpilan ng Coast Guard ang anomang impormasyong makatutulong sa operasyon.

(JESSE RUIZ)

102

Related posts

Leave a Comment