CAYETANO IGINIIT REPORMA SA YOUTH LEADERSHIP PROGRAMS

IGINIIT ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na mas mainam ang reporma kaysa buwagin ang mga youth leadership program gaya ng Sangguniang Kabataan.

Sa kanyang talumpati sa Cebu Technological University, sinabi ni Cayetano na hindi ang programa ang problema kundi ang paraan ng pagpapatupad nito.

“There were three stands. One is to abolish [SK] completely. The other one is to keep it as it is. And the other one is [to have] major reforms. [But] if the student is being taught by the teacher to be corrupt, why will you abolish the student? Why not abolish the teacher? ‘Di ba? Logic lang,” sabi ni Cayetano.

Matatandaang umingay noon ang usapin sa posibleng pag-abolish o pagpapaliban ng SK elections, pero tutol dito ang senador.

Wika ni Cayetano, hindi sa kabataan nanggagaling ang problema kundi sa impluwensya ng nakatatanda.

Para sa senador, mas dapat pang palakasin ang mga ganitong institusyon para sa kabataan.

Binigyang-diin ng senador na mahalaga ang youth leadership programs bilang pagsasanay sa demokrasya at pamumuno.

Dagdag pa niya, kinakailangan ng sapat na pondo, malinaw na direksyon, at mentorship upang maging epektibo ang mga programa.

Para kay Cayetano, ang pamumuhunan sa kabataan ay isang long-term investment para sa hinaharap ng bansa.

129

Related posts

Leave a Comment