LUMABAG SA ORDINANSA SA SAFER CITIES DRIVE UMABOT NA SA 150K

UMABOT na sa halos 150,000 ang bilang ng mga lumabag sa iba’t ibang ordinansa sa bansa mula Abril 6 hanggang 23, kasunod ng paglulunsad ng Safer Cities Initiative ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Nangunguna sa mga paglabag ang pag-inom ng alak at paninigarilyo sa pampublikong lugar.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, bunga ng mas maigting na pagpapatupad ng ordinansa, bumaba ang mga kaso ng crime against persons gaya ng murder, homicide, physical injuries at rape.

Dagdag pa niya, naging mas aktibo ang mga pulis sa pagpapatupad ng kaayusan sa ilalim ng programa.

Samantala, nilinaw ni Tuaño na wala nang naitalang bagong kontrobersya kaugnay ng implementasyon ng programa matapos ang naunang insidente sa Mandaluyong.

(TOTO NABAJA)

129

Related posts

Leave a Comment