ROQUE, KUMATOK SA COURT OF APPEALS SA ISYU NG PASSPORT AT ‘FUGITIVE’ TAG

DUMULOG sa Court of Appeals si dating Presidential Spokesperson Harry Roque upang kwestyunin ang pagkansela ng kanyang passport at pagdeklara sa kanya bilang pugante.

Sa inihain niyang Petition for Certiorari, hiniling ni Roque na ipatigil ang implementasyon ng ruling ng Pasig City Regional Trial Court.

Ayon sa kanyang kampo, walang legal na basehan ang naturang hakbang at lumalabag ito sa kanyang karapatan, kabilang ang due process, presumption of innocence, at freedom to travel.

Iginiit din ni Roque na nagkaroon umano ng grave abuse of discretion ang korte, at hindi kinilala ang kanyang patuloy na paghiling ng asylum sa Europe na dapat umanong igalang sa ilalim ng international law.

Nahaharap si Roque sa kasong qualified human trafficking kaugnay ng operasyon sa isang sinalakay na POGO hub sa Porac, Pampanga.

(JULIET PACOT)

139

Related posts

Leave a Comment