‘INVESTORS’ PINALULUTANG; KAPA KASUHAN – PALASYO

kapa12

(NI BETH JULIAN)

HINIKAYAT ng Malacanang ang mga namuhunan sa Kapa Ministry International Incorporated na lumantad at magsampa ng kaso laban sa naturang organisasyon.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo, ito ang natatanging paraan para mabawi ng mga biktima ang kanilang investment.

Kasabay nito, naninidigan ang Malacanang sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipasara ang Kapa at lahat ng investment company na labag sa batas.

Ang ginawang panghihikayat ng Kapa para mamuhunan sa kanila ang publiko kapalit ng malaking porsyento ng tubo sa loob ng maikling panahon ay babagsak sa kasong syndicated estafa.

119

Related posts

Leave a Comment