CIDG-NCR INABSWELTO NG PNP SA E-SABONG RAID

NILINIS ng Philippine National Police ang pangalan ng CIDG-NCR kaugnay ng anti-e-sabong operation sa Coliseo de Manila noong Marso 24.

Ito ay matapos magreklamo ang pamunuan ng cockpit arena hinggil sa umano’y pagnanakaw ng mga operatiba.

Ayon kay PNP Spokesperson Randulf Tuaño, ang nakita sa CCTV na kinuha ng undercover operative ay isang betting ticket na bahagi ng ebidensya sa entrapment operation.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto ng 170 indibidwal, kabilang ang 130 mananaya.

Sinalakay ang lugar dahil sa hinalang may operasyon ng e-sabong at posibleng koneksyon sa negosyanteng si Atong Ang.

(TOTO NABAJA)

37

Related posts

Leave a Comment