Binigyang linaw ng mga opisyal ng Meralco (L-R) na sina Head of Utility Economics Lawrence Fernandez, Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga, at Head of Tariff Management Roderick Dennison Nacu ang mga singil na makikita sa bill ng kuryente.
MAYNILA, PILIPINAS, 27 ABRIL 2026 – Binigyang linaw ng Manila Electric Company (Meralco) ang mga singil na makikita sa bill ng kuryente para matulungan ang mga customer na mas maunawaan ang mga ito sa gitna ng kumakalat na mga maling impormasyon sa social media tungkol dito.
Makikita sa bill ng kuryente ng Meralco ang detalyadong breakdown ng kabuuang singil para malinaw sa mga customer kung saan napupunta ang kanilang buwanang bayad.
“Ang Meralco, tulad ng iba pang mga distribution utility at electric cooperative sa bansa, ay mahigpit na binabantayan ng regulator para matiyak na ang lahat ng singil ay naaayon sa batas, malinaw, at dumaan sa tamang pagsusuri. Aprubado ng regulator ang bawat item na nakasaad sa bill ng kuryente bago pa man ipatupad ang mga ito,” ani Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe R. Zaldarriaga.
Kabilang sa mga singil na makikita sa bill ng kuryente ang mga bayaring itinakda ng pampublikong polisiya gaya ng mga Senior Citizen at Lifeline Rate subsidies at Universal Charge, na sumusuporta sa mga programa ng pamahalaan para sa mga sektor na higit na nangangailangan at iba pang inisyatiba; gayundin ang Feed-in Tariff Allowance at Green Energy Auction Allowance na binabayaran ng lahat ng gumagamit ng kuryente para mapabilis ang transition ng bansa sa mas malinis na enerhiya. Lahat ng mga singil na ito ay saklaw ng umiiral na mga batas at regulasyon.
“Ang mga singil na ito ay direktang inire-remit sa pamahalaan sa pamamagitan ng mga kaukulang ahensya. Inuulit po namin na hindi bago ang mga charges na at hindi lamang Meralco ang nagpapatupad kundi lahat ng distribution utilities at electric cooperatives sa buong bansa,” dagdag ni Zaldarriaga.
ZALDARRIAGA
Katulad ng iba pang pass-through charges tulad ng generation at transmission costs pati na rin mga buwis, hindi kumikita ang Meralco at iba pang distribution utility mula sa mga singil na ito.
“Nagsisilbi lamang kami bilang collection agent para sa mga singil na ito. Hindi kumikita ang Meralco dito,” diin ni Zaldarriaga. “Muli, nais naming bigyang-diin na ang Meralco ay highly regulated, at ang lahat ng singil sa bill ng kuryente ay dumaraan sa regulator bago ipatupad.”
Pagdating naman sa distribution charge ng Meralco, hindi ito gumalaw mula nang ito ay bumaba noong 2022.
Sa gitna ng mga kumakalat na maling impormasyon lalo na sa social media, tiniyak ng Meralco na magpapatuloy ito sa pagbibigay ng malinaw, totoo, at napapanahong impormasyon para mas maunawaan ng mga customer ang kanilang bill ng kuryente.
“Hindi kami titigil sa aming pagsisikap na tulungan ang mga customer na maunawaan ang kanilang bill sa pamamagitan ng pagbabahagi ng tamang impormasyon. Malaki ang aming pagpapahalaga sa transparency at accountability. Para sa aming mga customer, maaari silang makipag-ugnayan sa amin anumang oras sa pamamagitan ng aming iba’t-ibang customer touch points,” pagtatapos ni Zaldarriaga.
Para sa mga katanungan o alalahanin tungkol sa serbisyo ng kuryente, maaaring i-report ito sa pamamagitan ng My Meralco app o sa mga opisyal na social media account ng Meralco sa Facebook (www.facebook.com/meralco) at X na kilala dati bilang Twitter (@meralco). Maaari rin sumangguni sa pamamagitan ng pag-text sa 0920-9716211 o 0917-5516211 o pagtawag sa Meralco Hotline 16211.
Makikita ang iba pang mga mahalagang impormasyon para sa mga customer sa opisyal na website ng Meralco: www.meralco.com.ph.
97 
