CABINET OFFICERS FOR REGIONAL DEV AND SECURITY OK NA KAY DU30

duterte17

(NI BETH JULIAN)

TAPOS nang aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyong magtalaga ng Cabinet officers for regional development and security.

Ang mungkahing ito ay nagmula kay National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na naglalayong magkaroon ng ‘point person’ at tagapagpaabot ng magagandang balita mula sa pamahalaan  sa iba’t ibang rehiyon sa bansa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Atty..Salvador Panelo, nais ni Esperon na magkaroon ng isang cabinet secretary na aaktong cabinet officer sa bawat rehiyon.

Ayon kay Panelo, ang mga ito ang magpapaabot sa taumbayan sa mga pangunahing serbisyo at pangkabuhayan para sa mas maraming nangangailangan.

Aniya, sa ganitong paraan din ay matutulungan ang pamahalaan na matuldukan ang regional at local communism o ang pagiging mga komunista ay mababawasan na.

Paliwanag ni Panelo, ang sistema, lahat ng cabinet members ay totokahan bawat rehiyon, pupuntahan nila para sila ang maging point person papunta kay Pangulong Duterte.

Layon din nito na maiparating ang lahat ng pangangailangan sa rehiyon nang walang nagpag iiwanan.

Kaugnay nito, sinabi ni Panelo na ilalabas ni Pangulong Duterte ang isang executive order para rito sa lalong madaling panahon.

 

338

Related posts

Leave a Comment