BUKO JUICE MABISANG PANLABAN SA TAG-INIT – DOH

BUKOD sa tubig, tanging buko juice lang ang inirekomenda ng Department of Health (DOJ) sa publiko para sa kahalagahan ng sapat na hydration at pagpapanatili ng electrolytes sa katawan kasabay ng matinding init ng panahon.

Ayon sa DOH, ang electrolytes tulad ng sodium at potassium ay mahalaga sa tamang hydration, galaw ng muscles at maayos na paggana ng katawan.

Bukod sa bisa ng tubig sa kalusugan, inirekomenda rin ng ahensya ang pag-inom ng mga natural na pinagkukunan ng electrolytes gaya ng buko juice at tubig na may halong calamansi, lemon o asin.

Pinapayuhan din ng DOH ang publiko na kumain ng mga prutas tulad ng pakwan, saging, orange at singkamas upang makatulong sa pagpapanatili ng sapat na electrolytes sa katawan.

(JULIET PACOT)

108

Related posts

Leave a Comment