IPINAGMALAKI ng Bureau of Customs (BOC) ang record-breaking collection nitong Abril 2026 na umabot sa ₱86.4 bilyon—lampas ng ₱7.8 bilyon sa itinakdang target.
Ayon sa paunang datos, mas mataas ito ng 15.7% o ₱11.699 bilyon kumpara sa koleksyon noong Abril 2025.
Sa kabuuan, umabot na sa ₱325.808 bilyon ang koleksyon ng BOC mula Enero hanggang Abril, na lumagpas ng ₱11.148 bilyon sa target na ₱314.660 bilyon—katumbas ng 6.4% na paglago kumpara sa nakaraang taon.
Ayon kay BOC Commissioner Ariel Nepomuceno, patunay ito ng matatag na performance ng ahensya sa kabila ng mga panlabas na hamon sa global at lokal na kalakalan.
Binanggit din niya ang epekto ng mga salik tulad ng tensyon sa Gitnang Silangan at ang pansamantalang pagbawas ng excise tax sa LPG at kerosene na nakaapekto sa revenue streams.
Sa ilalim ng Department of Finance na pinamumunuan ni Secretary Frederick Go at sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., patuloy ang reporma sa ahensya upang palakasin ang efficiency, transparency, at trade facilitation.
“Ito ang pinakamataas na year-to-date surplus sa nakalipas na sampung taon… patunay ito ng disiplina at integridad ng ating mga tauhan,” ani Commissioner Nepomuceno.
(JESSE RUIZ)
103 