URBAN GARDENING ITINAMPOK SA VILLAR FOUNDATION COOKING COMPETITION

IPINAKITA ng mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay ang kanilang husay sa pagluluto sa ginanap na Villar Foundation Cooking Competition noong Mayo 14 sa Villar SIPAG Complex.

Gamit ang mga sariwang ani mula sa urban gardens, kasama ang karne at isda, naghanda ang mga kalahok ng masusustansya at masasarap na putahe na nagbigay-diin sa kahalagahan ng urban gardening sa pagsusulong ng food security, sustainability at mas malusog na komunidad.

Pinangunahan ang aktibidad nina Cynthia Villar, managing director ng Villar Foundation, at Senadora Camille Villar.

Kapwa binigyang-diin ng dalawa ang patuloy na adbokasiya ng organisasyon para sa urban agriculture at paghikayat sa mga pamilya na magtanim ng sarili nilang pagkain kahit limitado ang espasyo sa lungsod.

(Danny Bacolod)

70

Related posts

Leave a Comment