Petisyon sa impeachment ni VP Sara ibinasura ng SC; SENADO ‘DI PWEDENG MADALIIN

IBINASURA ng Supreme Court (SC) ang petisyon na humihiling na obligahin ang Senado na agad simulan ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa desisyong inilabas noong Abril 22, 2026, sinabi ng Korte Suprema na walang grave abuse of discretion ang Senado nang hindi nito agad ikinasa ang paglilitis matapos matanggap ang Articles of Impeachment mula sa Kamara.

Ang petisyon ay inihain ni Catalino Aldea Generillo Jr. na humirit sa SC na atasan ang Senado na agad umaksyon sa impeachment case laban sa Pangalawang Pangulo.

Ayon sa Korte Suprema, hindi nangangahulugang walang delay o preparasyon ang salitang “forthwith” na nakasaad sa Konstitusyon hinggil sa pagsisimula ng impeachment proceedings.

Binigyang-diin din ng SC na may kapangyarihan ang Senado na ayusin muna ang impeachment rules at iba pang kinakailangang preparasyon bago tuluyang simulan ang impeachment trial.

(JULIET PACOT)

120

Related posts

Leave a Comment