10th LE TOUR DE FILIPINAS: PADYAKAN NA!

LE TOUR12

(NI JEAN MALANUM)

TAGAYTAY CITY – Aarangkada simula ngayon dito ang 10th Le Tour de Filipinas na lalahukan ng 75 siklista mula sa Pilipinas, China, Japan, Thailand at Kazakhstan.

Ang Stage 1 ng five-lap na karera ay magsisimula at magtatapos sa “Praying Hands Monument”.

Ang ruta na may sukat na 129.5 kilometro ay dadaan sa mga bayan ng Nasugbu, Lian, Balayan,  Calaca, Lemery, Agoncillo at Talisay.

Galing dito ay pupunta sa Quezon province ang mga riders bukas para Stage 2, ang tinaguriang “killer lap” na may sukat na 194.9 kilometro mula sa Pagbilao patungo sa bayan ng Daet sa Camarines Norte. our de Filipinas

Ang Stage 3  (183.70 kms) ay mula Daet hanggang Legazpi City sa June 16, kasunod.ng  Stage 4 (176.00 kms) mula Legazpi City via Sorsogon at Gubat pabalik sa Albay capital.

Ang Stage 5 ay out-and-back race sa Legazpi City via Donsol, Sorsogon na may total na 145.80 kilometro.

Si El Joshua Carino ng Philippine Team ang defending champion ng Le Tour na sanctioned ng Union Cycliste International (UCI) bilang 2.2 category event. May P1.8 million na premyo ang nakataya sa karera.

 

146

Related posts

Leave a Comment