EX-SEN. TOLENTINO BAGONG DOLE SECRETARY

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si dating Senador Francis Tolentino bilang acting secretary ng Department of Labor and Employment.

Bumaba sa puwesto si DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, 75-anyos, dahil sa kanyang kondisyon sa kalusugan.

“Dahil po sa kanyang health condition. Kaya po kailangan po na magkaroon at magtalaga ng acting labor secretary,” ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro sa press briefing sa Malacañang.

Nang tanungin naman kung bibigyan pa ng ibang posisyon si Laguesma, sinabi ni Castro na hindi niya maaaring pangunahan ang magiging desisyon ng Pangulo.

Sa kabilang banda, nagpahayag ng kumpiyansa si Pangulong Marcos Jr. na mahusay na mapamumunuan ni Tolentino ang DOLE dahil sa kanyang malawak na karanasan sa paghawak ng mahahalagang tungkulin sa lokal at pambansang pamahalaan.

Lunes ng hapon itinakda ang panunumpa ni Tolentino kay Pangulong Marcos Jr..

(CHRISTIAN DALE)

107

Related posts

Leave a Comment