ER NG OSPITAL NG MAYNILA BUKAS NA

MULI nang binuksan ang emergency room ng Ospital ng Maynila Medical Center matapos ang isang linggong pagsasaayos o renobasyon nito ng pamahalaang lungsod ng Maynila.

Pinangunahan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso, Vice Mayor Chi Atienza at ilang matataas na mga opisyal ng ospital at Manila LGU, ang pagbubukas at pagbabasbas sa naturang ospital.

Sa kanyang talumpati, nakisuyo ang alkalde sa hospital staff at personnel na ngumiti sa mga pasyente dahil malaking bagay ito para gumaan ang kanilang pakiramdam.

Matatandaang pansamantalang isinara ang ER ng ospital noong May 24 para isailalim sa renobasyon lalo na ang kisame nito na napabayaan ng dating administrasyon.

Tiniyak ni Domagoso sa publiko na maaari nang dalhin ang mga pasyente sa naturang ospital dahil mayroon itong magagaling na mga doktor at nurses.

Bukod dito, libre aniya ang pagpapagamot dito dahil ang lungsod ang sumasagot sa mga gastusin ng mga pasyenteng taga Maynila.

Katunayan aniya, dito na rin sa Ospital ng Maynila dinala ang kanyang anak dahil kumpyansa ang alkalde na may kakayahan ang ospital gamit ang mga makabagong kagamitan at magagaling na health workers.

(JOCELYN DOMENDEN)

73

Related posts

Leave a Comment