APEKTADO SA MAGNITUDE 7.8 QUAKE, 724,000 NA

UMAKYAT na sa mahigit 724,000 katao o nasa 173,000 pamilya ang naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Southern Mindanao noong Hunyo 8, ayon sa pinakahuling ulat ng Office of Civil Defense.

Nasa 61 katao na ang naitalang nasawi, kabilang ang 54 mula sa Region 12 at pito mula sa Region 11.

Mayroon ding 40 katao ang nawawala, kung saan 22 ang mula sa Region 11 at 18 naman sa Region 12.

Samantala, umabot na sa 1,403 ang bilang ng mga nasugatan, kabilang ang 1,356 mula sa Region 12, 46 mula sa Region 11 at isa mula sa BARMM.

May kabuuang 10,000 katao naman ang lumikas dahil sa epekto ng lindol.

Mahigit 1,000 pamilya sa Barangay Lagao, General Santos City ang nawalan ng tahanan.

Tinatayang nasa P1 bilyon na ang halaga ng pinsala sa imprastraktura matapos ang isinagawang inspeksyon.

Ayon sa OCD, nasa 725 imprastraktura ang napinsala habang 9,900 bahay ang nasira at 44,100 naman ang bahagyang napinsala.

Idineklara na rin ang state of calamity sa 13 lungsod at munisipalidad.

Umaabot na sa P67.6 milyon ang naipamahaging tulong sa mga apektadong pamilya.

Naitala rin ang kabuuang 5,200 aftershocks na may lakas na magnitude 1.2 hanggang 6.4, kung saan 1,307 ang plotted at 76 ang naramdaman.

(JESSE RUIZ)

53

Related posts

Leave a Comment