PINANGUNAHAN ni Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano ang pagdiriwang ng Pride Month sa pamamagitan ng Pasay Rainbow Festival 2026.
Nagsagawa ng parada ang LGBTQIA+ community mula EDSA Tramo hanggang Cuneta Astrodome na sinundan ng Miss Gay Pasay Grand Coronation Night at Rainbow Party.
Ayon kay Mayor Emi, “101 percent welcome” sa Pasay City ang LGBTQIA+ community dahil sa malaking ambag ng mga ito sa komunidad at sa bansa.
Sinabi rin ng alkalde na aktibong katuwang ang sektor sa mga charity programs, pagpapaganda ng lungsod at iba pang aktibidad ng lokal na pamahalaan.
(DANNY BACOLOD)
87 