NAGSAMPA na ng mga kasong kriminal ang PNP-Police Regional Office 8 laban sa 15-anyos na estudyanteng sangkot sa madugong pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City.
Kabilang sa mga isinampang kaso ang tatlong bilang ng murder, tatlong frustrated murder at multiple counts ng serious physical injuries.
Tatlong estudyante ang nasawi habang 13 iba pa ang nasugatan sa insidente.
Hindi naman nasampahan ng kaso ang 14-anyos na suspek dahil exempted ito sa criminal liability sa ilalim ng umiiral na batas.
Sa halip, inilagay ito sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office para sa intervention program.
Positibo rin sa gunpowder residue ang dalawang menor de edad matapos sumailalim sa paraffin test.
(JESSE RUIZ)
95 