LGUs HUGAS-KAMAY SA KRISIS SA TUBIG SA QUEZON

NILINAW ng mga LGU sa Lalawigan ng Quezon, kabilang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Lucena City, at Tayabas City, na wala silang direktang hurisdiksyon o kontrol sa operasyon ng PrimeWater-QMWD Joint Venture sa kabila ng lumalalang krisis sa tubig sa lalawigan.

Ayon sa mga lokal na opisyal, ang QMWD ay isang independent quasi-public corporation habang ang LWUA at NWRB naman ang may saklaw sa usapin.

Maaari lamang umanong repasuhin ng mga lokal na opisyal ang Joint Venture Agreement upang matukoy ang posibleng legal na hakbang.

Sa kabila nito, pursigido ngayon ang pamunuan ng QMWD na itulak ang pre-termination o pagkalas sa kasunduan dahil sa kabiguan umano ng PrimeWater na tuparin ang mga obligasyon nito sa suplay ng tubig.

Sa gitna ng patuloy na kakulangan sa suplay ng tubig, umaasa ang mga residente na magkakaroon na ng malinaw na pananagutan at agarang solusyon sa matagal nang problema sa serbisyo ng tubig sa lalawigan.

(NILOU DEL CARMEN)

103

Related posts

Leave a Comment