IBINAHAGI ni Department of Justice (DOJ) Secretary Frederick Vida na bumuo ang kagawaran ng isang legal unit na tututok sa mga usaping may kaugnayan sa West Philippine Sea.
Ayon kay Vida, layunin ng binuong grupo na magsilbing source of legal expertise o Maritime Law Center na magiging legal repository ng DOJ para sa mga usaping may kinalaman sa pinag-aagawang teritoryo.
Dagdag pa ng kalihim, layunin ng kagawaran na mapangalagaan ang tagumpay ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal ruling noong 2016 na kumilala sa mga karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
Bagama’t pabor sa Pilipinas ang naging desisyon ng Arbitral Tribunal, sinabi ni Vida na kinakailangan pa ring ipaglaban ng bansa ang mga karapatan nito dahil hindi aniya ito “self-executing.”
Sinabi rin ni Vida na nakikiisa ang DOJ sa pagdiriwang ng ika-10 anibersaryo ng Arbitral Award para sa Pilipinas at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagsusulong ng rule of law sa usapin ng teritoryo.
(JULIET PACOT)
94 