GF, UTOL PERSONS OF INTEREST SA PAGKAMATAY NG KANONG MARINE BIOLOGIST

DALAWANG indibidwal na persons of interest sa pagpatay sa American marine biologist, ang nakikita ng Negros Oriental Provincial Police Office.

Sa panayam ng mga mamahayag sa Camp Crame kay PCol. Timmar Alam, ang director ng Negros Provincial Police Office at head ng binuong Special Investigation Task Group (SITG-Carpenter), itinuturing na persons of interest ang live-in partner nito at ang kapatid ng huli.

Ayon kay Alam, lumitaw sa kanilang isinagawang imbestigasyon na hindi sinaktan ang nobya ni Kent Carpenter, at inconsistent ang naging pahayag na kasama sa krimen ang posibleng panghahalay.

Aniya, negative sa vaginal swab ang babae at bukod dito ay wala ring nakitang pwersahang pagpasok ng mga suspek sa bahay ng biktima.

Samantala, sinabi rin ni Alam na kaya POI ang kapatid ng babae ay dahil sa madalas itong nakapupunta sa bahay ng biktima.

Sa ngayon, bukod sa robbery kasama rin sa tinitingnang anggulong motibo sa krimen ang trabaho ng biktima bilang marine biologist lalo’t nakatulong ang mga pag-aaral nito para manalo ang Pilipinas sa 2016 arbitral ruling.

(TOTO NABAJA)

92

Related posts

Leave a Comment