CAYETANO: SEA GAMES PROBE, PWEDE NAMANG TAHIMIK LANG

IGINIIT ni senator-judge at Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na maaaring magsagawa ng imbestigasyon ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng 2019 Southeast Asian (SEA) Games nang hindi ito inaanunsyo sa publiko.

Ayon kay Cayetano, ang pag-aanunsyo ng imbestigasyon habang nagpapatuloy ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maaaring makaapekto sa integridad ng impeachment court.

Sa ikaanim na araw ng impeachment trial noong Hulyo 15, sinabi ni Cayetano na wala siyang tutol sa pagsasagawa ng anumang imbestigasyon ngunit kinuwestiyon niya ang pagpapahayag nito sa publiko bago pa man matapos ang pagsisiyasat.

“Go ahead and investigate. First of all, that’s been investigated many, many times. He could have not announced it and just investigated,” ani Cayetano.

Nagbigay ng pahayag ang senador matapos ihayag ni senator-judge Senador Robinhood Padilla ang kanyang pangamba sa naging anunsyo ng NBI habang nagpapatuloy ang impeachment proceedings.

Ayon kay Cayetano, hindi ang imbestigasyon ang kanyang kinukuwestiyon kundi ang posibleng epekto nito sa kredibilidad ng impeachment court.

“We have to make sure that the integrity of the court is intact. I hope this issue of the integrity of the court becomes an issue for all of us,” aniya.

Sinabi rin ni Cayetano na ilang ulit nang naimbestigahan ang SEA Games, kabilang sa Senado at sa Office of the Ombudsman, kung saan personal siyang humarap upang sagutin ang mga tanong kaugnay ng pagho-host ng Pilipinas sa regional sporting event.

Tinawag din niyang isang “misfire” ang naging anunsyo ng NBI at pinabulaanan ang pahayag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na iniuugnay siya sa infrastructure component ng SEA Games.

Aniya, hindi ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC), na kanyang pinamunuan, ang may pananagutan sa mga proyektong tinukoy ng NBI.

“Bakit ko sinabing misfire? It’s because I had nothing to do with the infrastructure,” ani Cayetano.

Ipinagtanggol din ng senador ang pagho-host ng Pilipinas sa 2019 SEA Games at sinabing nagbigay ito ng karangalan sa bansa at nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga atletang Pilipino.

“The SEA Games gave us so much honor. So far, it is still the biggest SEA Games in history. Many of our athletes launched their careers, even going to gold medals in the Olympics,” dagdag niya.

77

Related posts

Leave a Comment