MAGPAPAKALAT ng kabuuang 3,316 mga tauhan ng Philippine National Police para sa seguridad ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao parliamentary election.
Sinabi ni PNP Public Information Office chief, PCol. Allen Rae Co, nakapag-send off ceremony na ang mga pulis sa Parang, Maguindanao del Norte at ngayon ay nakakalat na.
Magpapatupad din ng gun ban bilang bahagi ng seguridad na nagsimula nitong ng Huwebes, Hulyo 16, kasabay ng election period.
Magtatagal naman ang gun ban hanggang Setyembre 29, 2026.
Bago nito, una nang natukoy ng PNP ang ilang lugar bilang mga election hotspot.
Nagbabala rin ang PNP na maaaring gamitin ang nalalabing mga miyembro ng Abu Sayyaf Group at mga humiwalay na paksyon ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters upang takutin ang mga botante at maimpluwensyahan ang proseso ng eleksyon.
Nabatid na sa Setyembre 14, 2026 nakatakda ang BARMM parliamentary elections.
(TOTO NABAJA)
82 