PROSECUTORS SUMAILALIM SA REFRESHER TRAINING NG DOJ

SUMALANG sa refresher training ang 29 prosecutors mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa para maging mas bihasa pa sa paghawak ng mga kasong kriminal.

Inilunsad ng Department of Justice-National Prosecution Service (DOJ-NPS) ang apat na araw na Prosecutors’ Review Course noong Hulyo 14.

Layunin ng pagsasanay na mas mapalalim ang kaalaman ng mga prosecutor sa tamang paghawak ng kaso, pagpili ng tamang kasong isasampa at tamang parusa sa mga lumalabag sa batas.

May mga online lecture, talakayan at pagsasanay gamit ang iba’t ibang sitwasyon na maaari nilang maranasan sa aktuwal na trabaho.

Ayon sa DOJ-NPS, bahagi ito ng patuloy na pagsasanay sa mga prosecutor upang mas mapabilis at mapahusay ang pagbibigay ng hustisya sa publiko.

(JULIET PACOT)

92

Related posts

Leave a Comment