ISANG illegal mining ang nadiskubre at sinalakay ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Brgy. Mabini, Surigao City.
Apat katao ang inaresto ng mga pulis katuwang ang mga kinatawan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Tinatayang nasa P9.5 milyong halaga ng mga ebidensya ang nakumpiska sa mga suspek.
Ayon sa ulat, inaresto ang apat matapos mahuli ang mga ito na nagsasagawa ng ilegal na pagmimina nang walang kaukulang mga permit at dokumento mula sa DENR.
Sa nasabing operasyon, nakumpiska sa mga suspek ang 2 units ng backhoe, 8 sako ng gold ore, sluice matting, metal hose/slurry pipe, water pump, at iba pang mga kagamitan,
Nahaharap ang naarestong mga indibidwal sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7942 o Philippine Mining Act of 1995.
(JESSE RUIZ)
94 