UNANG AI-POWERED SALON SA BANSA, BINUKSAN SA ANTIPOLO

OPISYAL nang binuksan ang kauna-unahang salon sa bansa na gumagamit ng artificial intelligence (AI) sa ilalim ng Ricky Reyes Hair Clinic, kasabay ng pagbubukas ng ika-10 franchise branch nito sa Robinsons Antipolo noong Martes, Hulyo 28.

Pinangunahan ang inagurasyon at pagbabasbas ni hair guru Ricky Reyes kasama ang franchisee na si Joanne Uy.

Dumalo rin sa pagbubukas sina Ivy Balmaceda, mga opisyal ng PhilHair Association, mga beauty queen, celebrity at iba pang personalidad mula sa industriya ng kagandahan.

88

Related posts

Leave a Comment