INISPLUK NI TRILLANES: BALIGOD, 18 BODYGUARDS KAKASUHAN NG DOJ

INIHAYAG ni dating Senador Antonio Trillanes IV na nakatakdang sampahan ng Department of Justice (DOJ) ng mga kasong kriminal si Atty. Levi Baligod at ang 18 umano’y bodyguards ni dating Cong. Zaldy Co.

Batay sa kopya ng resolusyon ng DOJ prosecutors na inilabas ni Trillanes, inirekomenda ang pagsasampa ng mga kasong cyberlibel at perjury laban sa mga respondent.

Nag-ugat ang reklamo sa isinagawang press conference, mga social media posts at iba pang pahayag nina Baligod at ng iba pang respondent.

Nauna nang naghain si Trillanes ng magkakahiwalay na reklamo laban kina Baligod at sa 18 bodyguards matapos umano siyang pangalanan na tumanggap ng maleta ng pera na sinasabing nagmula sa flood control projects.

Sa ngayon, wala pang inilalabas na karagdagang detalye ang DOJ kaugnay ng kaso.

(JULIET PACOT)

87

Related posts

Leave a Comment