ANGAT DAM PATULOY SA ‘CRITICAL LEVEL’

angatdam22

POSIBLE pang bumagsak sa pinakamababang antas ng tubig ang Angat dam, ayon sa   National Water Resources Board.

Sa kabila ng malalakas na pagbuhos ng ulan, hindi na umakyat ang tubig sa dam – pangunahing pinagkukunan ng supply ng Metro Manila — na nasa 158.40-meter mark hanggang Miyerkoles ng alas-6 ng umaga.

Sinabi ni NWRB Director Sevillo David na patuloy na nasa 160-meter critical level ang Angat dam at bahagyang mataas sa kasalukuyang pinakamababang antas sa 157.56-meter level na naitala noong Hulyo 2010 sa gitna ng naranasang El Niño phenomenon.

“Kung magpapatuloy po ito at wala pong mga pag-ulan na darating sa mga susunod na araw, sa tantya po natin, bago magtapos ang linggo, baka malampasan po iyung record na pinakamababang naitala po noong 2010,” sabi ni David sa interview sa DZMM.

Isinasagawa na sa ilang lugar ang rotational water supply at paalala na magtipid sa tubig.

 

274

Related posts

Leave a Comment