JORDANIAN IDEDEPORT

immigration 12

(NI FROILAN MORALLOS)

NAHULI ng intelligence operatives ng Bureau of Immigration (BI) sa Mindanao ang overstaying na Jordanian na umano’y nanghingi ng pera sa dalawang biniktima na gustong magtrabaho sa Dubai.

Kinilala ni Immigration Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr. ang suspek na si Tarek El Abed Albarghouti, 40.

Timbog ang Jordanian sa mga operatiba ng BI Mindanao Intelligence Task group (MITG) sa General Santos City.

Sinabi ni Manahan na si Albarghouti ay kasalukuyang nakakulong sa BI immigration District Office sa Davao city , habang isinusulong ang deportation proceedings laban sa sa kanya ng BI Board of Commissioner .

Nadiskubre ng mga tauhan ni Manahan sa kanilang travel database, na dumating ang suspek sa Pilipinas noon pang April 22, 2014 , at hindi ito umalis o lumabas sa bansa magmula ng dumating sa Pilipinas sa nakalipas na limang taon.

Ayon naman sa pahayag ni Melody Gonzales, hepe ng BI MITG ,  si Albourghati ay ipinadedeport ng dalawang Pilipina na umano’y niloko nito kung saan hiningian sila ng mahigit sa P30,000, at ayaw ibalik sa kanila sa kabila ng kanilang pakiusap.

Ayon pa sa pahayag ng dalawang biktima, ang naturang halaga ay bayad umano sa processing fee at tulong sa dalawa para makaalis papuntang Dubai bilang mga hotel reservation officers.

Nadiskubre na limang taon nang overstaying ang suspek at expired na rin ang passport nito noong Marso.

 

 

 

183

Related posts

Leave a Comment