(Ni JOMAR OPERARIO)
Naging positibo ang revenue performance ng Customs-Legazpi matapos na makapagtala ito ng pinakamataas na koleksyon para sa tatlong buwan ng Pebrero, Mayo at Hunyo 2019.
Para sa first half ng 2019, ang Customs-Legazpi ay nagpakita ng positibong revenue performance makaraang makapagtala ito ng sobrang P142,562,130.39 o positibong pagtaas ng 58.91%.
Ito na ang pinakamataas sa kasaysayan ng collection ng Customs-Legazpi para sa dalawang buwan ng Pebrero at Mayo na umabot sa P75,598,472.27 at P129,531,103.00.
Sa actual collection para sa buwan ng Hunyo 2019 ay nakapagtala ng P70,797,931.00 kumpara sa target nitong P40,267,931.00 na katumbas ng 131.90% pagtaas.
Ang magandang performance ng koleksyon ng Customs-Legazpi sa pamumuno ni District Collector Arsenia Ilagan ay resulta na rin sa pagtutulungan ng kanyang mga nasasakupan.
Kaugnay nito, nangako ang Customs-Legazpi na higit pa nilang pagsisikapang malagpasan ang kanilang monthly collection target sa mga susunod na buwan.
