(NI BETH JULIAN)
IPINAUUBAYA na ng Malacanang sa Department of Budget and Management (DBM) ang desisyon kung isusumite nito sa Kongreso ang panukalang Pambansang Budget para sa 2020 sabay ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, diskarte na ng DBM kung maihahabol nito na maisumite ang budget sa SONA ng Pangulo sa July 22 kasabay ng pagbubukas ng sesyon ng Kongreso.
Sinabi ni Andanar na maaari naman sundin ni DBM officer n charge Janet Abuel ang ginawa ni dating Secretary Benjamin Diokno noong nakalipas na taon sa pagplano ng 2020 national budget.
Batay sa itinakda ng batas, obligado ang DBM na maisumite ang proposed appropriation budget sa loob ng 30 araw bago matapos ang pormal na pagbubukas ng Kongreso.
195