BATANES NILINDOL; 8 NA PATAY

UPDATED

(NINA ABBY MENDOZA,  DAHLIA S. ANIN)

TUMAMA ang 5.4 magnitude na lindol sa Batanes province Sabado ng madaling araw kung saan walo katao ang iniulat na namatay.

Pinangangambahang tumaas pa ang bilang habang nag-iikot na ang awtoridad sa lugar ng napinsala.

Nagtutulung-tulong na ngayon ang mga volunteers na hukayin ang mga nadaganan at bumagsak na mga bahay kung saan nakuha ang apat na bangkay, ayon kay Josefa Ponce, secretary ng Itbayat municipal council.

Kinilala ang mga nasawi na pamilya na Emma, Mary Rose at batang si Leona Valiente gayundin ang isa pa katao na kinukuha sa guho sa Barangay Raele.

Nadaganan ng gumuhong lumang bahay ang mga Valiente sa Barangay Sta. Maria.

Inaalam pa ang  bilang ng mga nasaktan.

Naganap ang lindol ng alas 4:16 ng madaling araw. Ang epicenter ng lindol ay naitala sa 20.90°N, 121.85°E-012km North at 04° East ng Itabayat, Batanes.Tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 12 kilometro.

Sa panayam kay PhivolcsDirector Renato Solidum, naramdaman ang Intensity VI sa Itbayat habang Intensity III naman sa Basco at Sabtang, Batanes.

“Intensity VI ay strong shaking, at sa aming intensity scale, posibleng magkaroon ng slight damages sa mahihinang bahay o Imprastraktura”, ani Solidum sa kanyang interview.

Kahit daw ang mga lumang bahay sa Itbayat ay gawa sa bato, may mga bagong gawang bahay naman daw na hindi gawa sa bato dagdag ni Solidum.

Sinabi rin ng Phivolcs Director na hindi nila inaasahan ang malaking pinsala kung maayos naman ang pagkakagawa sa nga bagong bahay.

Dahil sa 12 kilometro lang ang babaw ng lindol, mas malakas ang naramdamang pagyanig.

Nauna ng sinabi ng PHIVOLCS na magnitude 5 ang lindol, ngunit pinalitan ito ng magnitude 5.4.

Pinag-iingat ang lahat dahil sa posibleng pagkakaroon ng aftershocks ayon sa ahensya.

 

142

Related posts

Leave a Comment