TATLONG oras makalipas yanigin ang Batanes, nagkaroon muli ng 6.4 magnitude quake ang Itbayat, Batanes bandang alas-7:38 ngayong Sabado, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Nakasentro ang lindol sa 19 kilometers northwest ng Itbayat.
Wala pang iniulat na namatay o napinsala sa bagong lindol na may lalim na 43 kilometro subalit sa naunang pagyanig ay apat katao na ang sinasabing namatay habang 19 ang sugatan
Sa kasalukuyan ay nagtutulung-tulong na ang mga volunteers sa lugar upang hanapin at hukayin ang mga gumuho sa posibleng makasalba pa ng buhay.
149